Malikhaing Sanaysay
MALIKHAING SANAYSAY
KAHULUGAN
Mula sa salitang sanaysay o sanay na pagsasalaysay, ito ay ang pagsasalaysay ng isang sanaysay nang may pagkamalikhain, may sistematikong paraan o proseso kung saan sinusunod ito sa lohikal at organisadong paraan, maaaring pormal o impormal ngunit isinasaalang-alang na nararapat itong makatotohanan at personal na pagtala o CNF (Creative Nonfiction). Ito ay isang bagong genre sa Malikhaing Pagsulat na siyang ginagamitan ng istilo o teknik upang makabuo ng makatotohanan at tumpak ba pagsasalaysay o narasyon.
KATUTURAN
Sa paraan ng pagsulat ng malikhaing sanaysay mahubog nito ang abilidad ng isang manunulat sa pamamagitan ng paglalahad ng katotohanan na gumagamit ng malinaw at tiyak na wika. Dahil dito, lumalawak ang imahinasyon ng mga mambabasa at makakapag bahagi ng karanasan na makatotohanan. Mas malaya magsulat ang may akda sa tuwing nagsusulat ng malikhaing sanaysay. Ang nilalaman ng malikhaing sanaysay at opinyon ukol sa isang konsepto.
KARANASAN
Karanasan ni Jouriz Abarcar sa Pagsulat ng Malikhaing Sanaysay.
Noong ako’y unang sumulat ng malikhaing sanaysay, naisip ko na ito ay hindi naman ganun kahirap dahil hindi mo na kailangan sumisip pa dahil sarili mo naman itong kwento at pawang katotohanan lamang ang dapat mong ilahad, ang pinagtutuunan lamang ay ang mga pagkamalikhain at paggamit ng mga salita na hindi naman kailangan malalim ang salita at nararapat na naiintindihan, ngunit kung ako’y tatanungin ano ang pagtutuunan ko ng pansin ay ang pamagat, pamagat na mapapaisip mo ang mga mambabasa kung bakit nabuo ang pamagat na iyon.
Nakakatuwang bumasa ng malikhaing sanaysay, narito ang iba’t-ibang karanasan ng mga akda, ang kanilang mga iniisip, nakita, at nararamdaman ay nakalahad, kaya malikhaing sanaysay ang paborito kong nagawa nakaraang taon.
Karanasan ni Zyrell Alen sa Pagsulat ng Malikhaing Sanaysay.
Madalas ito ay napag kakamalang isa sa mahirap na paraan ng paggawa ng sanaysay dahil ito ay binubuo ng malalalim na salita Kaya sa paggawa nito ay kinakailangang isaalang alang ang damdamin upang mas mailahad ng maayos ang bawat salita sa isang bahagi ng sanaysay.
Karanasan ni Oliver Apio sa Pagsulat ng Malikhaing Sanaysay.
Madalas na nahihirapan dito dahil sa pagsulat ng isang sanaysay na may iba't ibang paksa at mga istilo sa pagsulat. Naglalaman din ng mga malalalim at hindi pamilyar na mga salita. Nahuhubog ang kakayahan ng isang estudyante sa pagsulat ng isang sanaysay.
Karanasan ni Rachelle Anne Barcelon sa Pagsulat ng Malikhaing Sanaysay.
Hindi man madali ang pagsulat ng malikhaing sanaysay; Ito ay masaya at nakaka enganyo. Habang sinusulat ko ang malikhaing sanaysay, naramdaman ko na malaya ako. Isinulat ko ang aking orihinal na sanaysay sa kadahilanang nais kong maibigay ang aking opinyon sa kasalukuyang isyu na nararanasan ng ating bansa. Hindi ko naramdaman na ako ay nagkukunwari noong sinusulat ko ito.
Sa lahat ng mga sulatin na aking ginawa sa Malikhaing Pagsulat; ang malikhaing sanaysay ang pumukaw ng aking atensyon. Ito ay pumasok sa puso at damdamin na manunulat. Sa sulating ito, hindi lamang ako lumilikha ng akda, kundi nagsasaad din ako ng opinyon at emosyon. Aking masasabi na ang malikhaing sanaysay ang isa sa pinaka tumatak na sulatin sa akin.
Karanasan ni Sheina Mae Candoy sa Pagsulat ng Malikhaing Sanaysay.
Ang aking karanasan sa pagsulat ng malikhaing sanaysay ay napaka impormatibo sapagkat nahuhubog nito ang aking kaisipan ay kakayahan na makapag isip ng mga karanasan o napapanahong isyu na nangyayari sa ating paligid. Dagdag pa rito, marami tayong dapat isaalang-alang. Kasama rito ang paggamit ng wika upang maging tiyak at malinaw ang bawat pagbuo ng mga pangungusap. Kinakailangang maglahad ng mga ideya at ito ay makatotohanan upang kapani-paniwala dahil hindi lang dapat nag-uulat ng kaalaman kundi nangangailangan ng kasanayan sa pagsasalaysay.
Karanasan ni Shairyn Dela Cruz sa Pagsulat ng Malikhaing Sanaysay.
Hindi ko talaga gamay ang pagsulat ng Malikhaing sanaysay o Creative Non-Fiction (CNF), mas gusto ko kasing magsulat ng mga akda na base sa aking imahinasyon bukod dito ay nahihirapan din ako na ibahagi ang aking karanasan sa iba. Noon ay naisip ko na mahirap ang pagsulat ng Malikhaing Sanaysay ngunit noong akin na itong gagawin at napag aralan ay napagtanto ko na hindi naman pala ganoong kahirap ang pagbuo ng isang Malikhaing Sanaysay. Habang ako ay nagsusulat ng Malikhaing sanaysay ay hindi ko maiwasang sariwain ang mga kaganapang nangyari sa akin noon. Kung kaya naman ay halo-halong emosyon ang aking nadarama habang nagsusulat. Marami rin akong mga realisasyon habang nagsusulat ng malikhaing saraynay, isa na doon na kahit gaano ka pa nagkamali sa mga bagay ay magkakaroon pa rin ito ng magandang epekto at aral na madadala mo sa iyong pagtanda.
Karanasan ni Ahron Ginco sa Pagsulat ng Malikhaing Sanaysay.
Ang paggawa ng malikhaing sanaysay ay mahirap para sa akin sapagkat kailangan mong umisip kung paano gagawing maayos ang isang sanaysay, kahit papano masaya naman itong gawin sa kadahilanang hindi mo na kailangan gumawa ng kwento at ikaw ay magbabase na lamang sa isang makatotohanang impormasyon, mailalabas mo dito ang iyong pag ka malikhain. Masaya ring bumasa ng isang malikhaing sanaysay dahil nakikita kung gaano ka ka husay ang isang manunulat na kaya nilang gawing maganda ang isang simpleng impormasyon.
Karanasan ni Jhazmin Mangawang sa Pagsulat ng Malikhaing Sanaysay.
Sa aking pagsulat ng Malikhaing Sanaysay, mas lumawak ang aking pagtingin sa mundo. Namulat ang aking mga mata sa reyalidad na kung saan maraming lihim ang pikit na ikinukubli sa bawat sa pahina ng sanaysay. Naisip ko na kung lahat tayo ay may kakayahan maging malikhain ay gamitin natin ito sa pahayag ng patas at makatotohanang impormasyon. Marami akong nakalap na impormasyon ngunit ang aking isinulat ay tungkol sa lindol, alam kong hindi na bago sa atin ang pagyanig ng lupa, ninais ko lamang na isalaysay ito upang mas makapagbigay pa ng impormasyon ukol sa nangyari at mas bigyang babala ang mga tao na dapat ay mas maging handa at mag ingat sa lahat ng oras.
Karanasan ni Jewell Mai Mayormita sa Pagsulat ng Malikhaing Sanaysay.
Ang aking karanasan sa pagsulat ng malikhaing sanaysay ay lumalawak dahil ginagamitan ito ng malawak na imahinasyon at pag unawa para sa mga impormasyon na gagamitin dahil sa malikhaing sanaysay ay kailangang may malinaw na paggamit ng wika, dito rin mailalabas ang emosyon o saloobin para sa katotohanan.
AKDANG PAMPANITIKAN
MALIKHAING SANAYSAY
PANGKAT ISA
SAPLOT
Akda ni: Jhanine Bitangcor
Sabi ko sa isang kaibigan "Maglaro tayo, ngunit huwag tayong lalayo.” Isang pagkakamabutihang loob, "Kuya saan po tayo pupunta?" Takang-taka sa buong pangyayari. Sa paglubog ng araw may krimen na nangyari. "Yung bata walang saplot “rinig ng tainga ko, kalat na kalat ito sa pesbuk at sa paaralan, madaming katanungan ang umiikot sa isipan ko, “BAKIT?" bakit nangyari ang ganong karumal dumal na panggagahasa sa isang bata? Ano kaya ang gagawing kilos Departamento ng Edukasyon sa Isyu na ito?
Naitala ang krimen na ito sa masukal na lugar sa Ramon Krimen, at ang batang babae ay nag-aaral sa ARGES. Usap-usapan ang nangyari sa ari ng bata dahil duguan ito at maririnig ang usapan ng mga tao sa paligid ng bata. Nangyari ang krimen na panggagahasa noong Disyembre isa at magmula noong araw ng krimen ay nag-iingat na ang mga bata, matatanda ay hindi pa din maiiwasan ang ganitong pangyayari. Labis labis ang sakit na nadama ng buong pamilya sapagkat siya ay napapabilang sa baiting dalawa, sobrang bata pa talaga.
Para sa akin, isang butihing estudyante na nalaman ang krimen, narinig ang ganitong usapan at makita mismo ang itsura ng bata, malaki ang epekto nito sa akin, takot ang dal anito sa buong pagkatao ko dahil madami akong nakakasalamuha iba't-ibang tao at hindi ko naman hawak ang iniisip, gusting gawin ng ibang tao. Tayo ay mulat na sa reyalidad ng mundo at dapat alam na nila ang tama at mali nilang ginagawa at gagawin palang.
Sa kabila ng pangyayaring ito. Dala dala ang lason sa lipunan, isang binatilyong gumawa ng mal isa isang isang anghel. Napakarami ng mga batang babae na nasa mababang baitang na nasa paligid lamang at dala dala nila ang inosenteng pagkatao ngunit sa impluwensiya ng krimen sa lipunan ay malaki ang dalang takot nito sa mga eskwelahan.
Ang salaysay na ito ay bumase sa totoong pangyayari, may pruweba dahil maaaring ang iba ay hindi maniwala. Ang ginamit na tono sa malikhaing salaysay na naisulat ko ay pormal, bagkus ang narinig, Nakita at nabalitaann ko ay napakaseryoso at hindi puwedeng biruin dahil buhay ang nakasalalay. Diyalogo ang Teknik na ginamit upang malaman ang paksa na naaayon sa buong salaysay.
IMPLUWENSYA NG KAPANGYARIHAN
Akda ni: Acie Cabatingan
Napoleon. Ang pelikulang pumukaw sa atensyon ng maraming tao at naging laman ng social media.Ito ay naging usap usapan ng maraming tao dahil maisasalamin sa pelikulang ito ang naging buhay ng isang tao kung papaano niya ginamit ang kapangyarihan at katalinuhan upang makapang impluwensya ng ibang tao at kung papaano siya naging isa sa pinaka makapangyarihang tao sa kasaysayan.
Araw ng Disyembre 4,2023 ay nakita ko ang isang bagong pelikula sa facebook na ipapalabas sa sinehan,Ang Napoleon. Nakita ko kung gaano karami ang netizen na nag komento at natuwa tungkol sa pelikula at usap usapan kung gaano kaganda ang nilalaman ng nasabing palabras.Dagdag pa dito,Isa sa dahilan kung bakit napukaw nito ang atensyon ng maraming tao ay dahil nabibigyang pansin ang talambuhay ng isang kahanga hangang tao na si Napoleon at paano siya naging kilala sa buong kasaysayan ng mundo. Maliit man ngunit may angking talino lalo na pagdating sa labanan, rason kung bakit siya naging isa sa pinaka malakas na French Emperor at Commander sa panahon ng gera.
Malaki ang naging impluwensya nito sa aking sarili pati na sa maraming tao. Sapagkat sa panahon ngayon ay maraming tao na mayroong angking kapangyarihan upang mamuno ngunit ginagamit nila ito sa maling paraan. Kayanaman ako ay labis na nasabik sa balita patungkol sa pelikula, dahil maari itong makaimpluwensya sa maramingtao hindi lamang sa aking sarili, Kung papaano natin magagamit ang ating talino at kapangyarihan upang lumago at magtagumpay. Sa maling paggamit ng kaalaman at kapangyarihan ay maraming tao sa ating lipunan ang nag durusa at naapektuhan. Dapat nating gamitin ang ating kaalaman at kapangyarihan upang malutas ang mga napapanahog problema sa ating lipunan. Kung maisasakatuparan ito ay tunay na tayo ay lalago at pagtatagumpay sa anumang aspeto ng buhay.
Ang Malagim Na Sinapit Ng Batang Babae
Akda ni: Clowy Kyle Cariño
Nagkaroon ng isang bali-balita tungkol sa isang batang babae na nakatira sa Brg. Gavino Maderan noong Disyembre 1 nitong taon, hanggang nakaabot na sa paaralan napagusapan narin ng aking mga kaklase ang tungkol dito sa batang babaeng walang awang binawian ng buhay at natagpuan ang katawan nito sa Brgy Ramon Cruz kung saan malayo na ito sa nasabing tirahan ng batang babae. Di umano may sabi sabi ng mga tao nakabalita ay ang isang tricycle driver ang may kagagawan nito ngunit may iba naman na ang hakahaka ay bata at ang edad ay nasa 13 anyos o pataas ang gumawa ng malaking krimen na nagyari sa kawawang paslit noong nabalitaan namin ang balitang ito ay nagdulot ng takot, pangamba sa mga mag aaral lalo na sa mga magulang na mayroong mga maliit pang mga anak dahil sa nagyari insidenteng ito dapat mahuli ang kung sino ang walang awang gumawaa nito ng sa ganon ang mapanatag ang bawat isang mamayanan lalo na ang mga esdutyanteng sumasakag ng tricycle pauwi at papasok ng paaralan. Ako bilang isang istudyante narin ay nagdudulot ng takot hindi lamang para sa aking kaligtasan kung hindi para rin sa iba dail nakakatakot na maulit ang sinapit ng batang iyon. Lipunan malaking usapan o impact ito marahil sa lumalalang kaso ng mga ganitong pagyayari lalo na sa mga batang nasasakupan malaking alalahanin hindi lang sa magulang kung hindi din sa mga nakakataas upang mabigyang pansin din ang mga kasong ganito sa ating lipunan upang maiwasan at maging handa ang bawat isa sa atin lalo na sa ating panahon ngayon dahil hindi na natin alam ang nasa utak ng bawat isa.
PANGKAT DALAWA
Paghihinagpis
Akda ni: Chelsy Almazora
Ito ay nangyari ilang linggo na ang nakalipas may narinig ako na tungkol sa batang babae na nag-aaral sa paaralang General Mariano Alvarez Technical High School itong balita ay patuloy na kumakalat sa loob ng paaralan pati na rin sa sosyal medya miski ang aming kapitbahay ay alam ang tungkol dito, base sa aking narinig at nakita narinig ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap o nakikita ang kanilang anak, sa sobrang pag-aalala ng kanyang pamilya binuksan ng kanyang nakakatandang kapatid ang kanyang akount sa sosyal medya na tinatawag nating peysbuk at dito tumambad ang usapan ng kanyang kapatid at ng kaibigan nung babae ngunit hindi pa rin nila alam kung saan ito nagtungo hindi sapat ang mga usapan ng batang babae pati ng kanyang kaibigan kaya hanggang ngayon wala pa ring balita dito. Narinig ko mula sa aming kapitbahay at nakita ko mula sa sosyal medya. At ako bilang batang estudyante nararapat na ipaalam sa ating magulang kung saan tayo tutungo isa pa ay hindi madali sa isang magulang ang ganoong pangyayari lalo na kung sa anak nila ito mangyari. Isa pa ay malaki ang maitutulong nito sa lipunan mas lalo nilang malaman ang masamang epekto ng pag labas labas ng bahay nang walang paalam sa magulang.
Huling Hakbang
Akda ni: Heber Andrada
Ako 'y papauwi sa aming tahanan ng biglang napadaan sa maingay, nag iiyakan at natatakot na mga residente. Isang malungkot na gabi ang bumungad sa akin dahil may isang batang babae ang ginahasa at iniwang wala ng buhay. Natagpuan ang isang batang babaeng nakahandusay sa tabing ilog sa brgy ng Ramon Cruz noong Nobyembre 30, 2023. Bilang isang kabataang may pangarap din para sa sarili, masakit makakita at makarinig na may isang batang gagahasain at papaslangin na walang ibang ginawa kundi abutin ang kanyang mga pangarap sa buhay. Isa ito sa mga problemang naitala sa marami, ito'y kumalat at nag sanhi ng galit, pangamba at takot sa mga residente ng Ramon Cruz sa General Mariano Alvarez.
Napaisip ako bigla, nasaan ang puso? Bakit kailangang may mangyari pang ganito. Hindi ba pwedeng mabuhay lang ng payapa, ligtas at walang halong pangamba? biglang pumasok sa isipan kong hindi natin hawak ang mga pwedeng mangyari. Isa ito sa mga pangyayaring dapat magbukas mata satin lalo na sa mga kabataan, pati na rin sa mga namumuno. Pagtibayin sana ang seguridad sa mga nasabing brgy upang maiwasan ang ganitong krimen.
Silid-Aralan
Akda ni: Abigail Arcadio
Sa aming silid-aralan, isang araw pag pasok ko sa aming silid-aralan narinig ko ang aking mga kamag-aral na nag usap-usap tungkol sa aming aktibidad sa Asignaturang P.E (Physical Education). Naguusap sila tungkol sa aming gaganaping sayaw sa ganap na Disyembre 7, sila ay pinag uusapan ang gaganaping pagsasayaw o praktis sa araw araw upang aming maisaulo ang sayaw. Napagkasunduan nila kung sino ba ang nagtuturo kung ang amin bang kamag-aral o kukuha ng ibang tao para nagtuturo. Nagtanong din ang aming Presidente na si Thea kung saan ang gusto mong sayaw sa HipHop ba o sa cheerdance kami ng aking mga kaibigan ay pinili ang sayaw na HipHop habang ang iba naman ay cheerdance. Ang aking kamag-aral na si Gabriel Yamson ang mag sasanay sa amin sa HipHop habang sa Cheerdance naman ay si Alex Reyes. May mga sigawan at away ang naganap dahil ang iba ay hindi nag sisipraktis ngunit maayos namin itong naitanghal noong Disyembre 7. Hindi man makasabay ang iba ngunit aming nakamit ang perpektong marka.
Ang Truck ng Basura
Akda ni: Mariel Balina
Muling naitala ang isang truck ng basura mula sa lugar ng GMA CAVITE ang nawalan ng preno marami ang kumalat mula sa balita na ito katulad ng lamang sa social media muli itong naipakalat sa pamamagitan nito at marami ang nakakarinig nito mula sa balitang kalye at iba pa , ang aksedente na pangyayari noong buwan ng Oktobre ito ay may kahindik-hindik na pangyayari sapagkat ay maraming mga sasakyan ang naapektuhan at nasira, kaya't naman marami ang nalungkot sa sinapit na ito sapagkat maraming mga sasakyan ang nadamay sa insidente na ito kaya't naman ay madali ito na aksyonan ng mga awtoridad sapagkat ay nagdudulot din ito ng matinding trapik mula sa kalsada nakakalungkot na pangyayari ay maraming mga nagimbala sa sitwasyon na ito kaya't naman ay dapat agad itong maaksyonan ng namumuno mula sa awtoridad ang implikasyon nito sa bawat isa o sa ating sarili ay maging mapanuri sa lahat ng bagay o pupuntahan o sa bawat oras man, para sa lipunan ay marami ang nalulungkot at pagkainis sapagkat ang kanilang pinagkahirapan ay nawala ng bigla lamang mula sa insidente na ito kaya't naman sa lipunan ay magkaroon ng maayos na konsideridad sa bawat pupuntahan upang walang madamay o pamahamak sa sitwasyon na ito kaya't maging doble ingat sa lahat ng oras o sa kahit anong pupuntahan kaya ang obligasyon nito sa lipunan ay mag ingat o mapanuri sa lahat ng oras.
Paghahayag ng Karapatan at Damdamin
Akda ni: Meri Charles Castillo
Ang karapatang pantao ay karapatang makapagsalita at ipaglaban ang karapatan, at ito ay hindi lamang nababase sa itsura, kasarian, anyo at mga kultura. Noong ika disyembre 3, 2023 sa aming covered court ay narinig ko ang balitang ang aming barangay ay nagpapatupad ng karapatang pantao, habang kami ay naglalaro ng Volleyball ay may isang barangay opisyal na bumaba't ito ay patungo sa mga naglalaro o manlalaro ng basketball, dala-dala nito ang balitang pagpapatupad na ang aming barangay ng karapatang pantao. Nang makarating ito sa mga manlalaro ng basketball ay saktong naroon ako malapit sa kanila, at sabi ng opisyal ay " dahil sa mga reklamo ng aming natatanggap mula sa mga batang manlalaro ng volleyball ay kami ay magpapatupad na ng karapatang pantao". Matapos marinig ng mga manlalaro ng basketball ay kita ang pagkadismaya ng mga ito, at kita naman sa mukha ng aking mga kasama ang tuwa matapos kong isalaysay ito sa kanila. At makalipas ang araw na iyon ako ay nagtungo sa aming barangay upang kumuha ng iskedyul ay muli kong narinig ang balitang sila ay nagpapatupad ng karapatan at narinig ko ito sa aming kapitana at nagulat ako ng kausapin ako nito, sinabi niya sa akin ay " mula ngayon ay hindi niyo na kailangan pang magsumbong sa amin sapagkat ang bawat isa sa atin ay may karapatang ipaglaban ang ating karapatan". Malaki ang epekto nito sa aking sarili sa pamamagitan ng hindi na lamang ako mananahimik sa gilid ng aming covered court habang dinadarag kami magkakaroon na ako ng karapatang ihayag ang aming ang aming karapatan at sarili kahit pa sila ay matanda o isa sa mga opisyal ng aming barangay. At malaki naman ang magiging epekto o implikasyon nito sa lipunan sa pamamagitan ng bawat isa ay may karapatan ng ihayagan damdamin at karapatan matanda man o bata, babae, lalaki, parte ng ikatlong kasarian, ibang kultura, kulay ay magkakaroon ng ihayag ang kanilang karapatan.
Tahanan
Akda ni: Mark Vincent Gabo
Bilang isang estudyante, responsibilidad nating magpasa ng mga gawaing itinakda sa atin. Maliit man ito, mahirap o madali, ay nakakaapekto pa rin sa ating grado. Ngunit sa dami ng oras na nilalaan ng mga estudyante sa loob ng paaralan, kailangan pa rin bang mag-iwan sa kanila ng mga takdang-aralin sa mga tahanan? Paano na ang oras para sa pagpapahinga at sa pamilya? Paano na ang iba pang gawaing kailangang tapusin?
Noong nakaraang linggo sa paaralan ng GMATHS, sa oras ng uwian, ay narinig ko ang aking mga kaibigan na nag-uusap tungkol sa dami ng gawaing iniatas sa kanila, na sumabay pa sa presentasyon nila sa isa pang asignatura. Dahil dito, ay napagtanto ko na hindi lamang ako ang nakakaranas nito, kundi marami rin. Bilang isang estudyante, nararamdaman ko ang hinaing nila. Tunay ngang nakakadagdag hirap sa mga mag-aaral ang tambak na gawain sa loob lamang ng konting oras. At dahil isa ako sa mga nakakaranas nito, ang masasabi ko lamang ay kung hindi mapipigilan ang pagbibigay ng gawain, maaari sana ay bawasan ang bilang ng mga ito, at habaan ang araw ng paggawa dahil hindi naman maiiwasan o maaasahan ang mga gawaing biglang darating sa paaralan man o sa tahanan. Malaki naman ang epekto nito sa lipunan, dahil karamihan sa mga estudyante ay marami ang responsibilidad at gampanin sa kani-kanilang mga tahanan, na maaaring maging dahilan ng hindi paggawa ng kanilang mga gawaing akademik, na nakakaapekto sa kanilang mga grado. Maipapasok din dito ang tamang paglalaan ng oras. Kahit na kaya mong ipasok ang paggawa sa iskedyul, mawawalan naman ng oras ang pagpapahinga, na maaari namang makaapekto sa kalusugan ng nga bata.
Maituturing nating pangalawang tahanan ang ating paaralan, ngunit ang pag-uwi na maraming mga gawain sa ating tunay na tahanan ay nakakapagod. Alam kong ginagawa ito upang masanay at masukat ang kaalaman ng mga estudyante, ngunit sapat na ang maraming oras na nilalaan nila sa loob ng paaralan. Oo, maganda nga ang paraang ito at tunay na nakatutulong, ngunit sana at unawain ang kalagayan ng iba't-ibang estudyante.
Nasaan ang Hustisya
Akda ni: Erin Lumigis
Pagkagaling ko sa paaralan agad akong nagbukas ng telepono upang tingnan ang aming group chat ng aming seksyon, at tinignan ang mga usapan ng aking mga kamag-aral tungkol sa batang natagpuan sa may Ramon Cruz. "Guys may batang namatay dito sa may ilog namin." sabi ng kaklase kong babae na agad namang nagpatayo sa mga balahibo ko. Nag-usap pa sila tungkol dito ay doon lang din namin nalaman na ang batang pinatay at ginahasa ay nasa edad na sampung taong gulang pa lamang. Naghalo ang mga emosyon na nararamdaman ko at bahagyang nakaramdam ng takot dahil sa aking nalaman. "Nahuli na ba yung gumawa non?" tanong ko sa aking kaklase at ito naman ay sumagot kaagad. "Hindi pa, pero sabi raw apat daw yung salarin eh." sabi pa nito. Kinabukasan sa aming praktis sa Maderan, laking gulat ko nung nakitang nakaburol ang batang babae na agad naman nagparamdam sa akin ng awa, takot, at inis. Dapat talaga mahuli na ang may gawa nito dahil sa paglabas labas naming mga kababaihan ng bahay, nadoon yung pakiramdam na hindi ka ligtas. Sana rin ay mahuli na ang may gawa, dahil ang nangyari sa batang ito ay hindi makatarungan lalo na't sa murang edad nito ay ito ay nangyari sa kanya, at bilang isang babae na rin, ako ay nauuhaw sa hustisya na nararapat para sa kanya.
Misteryosong Pagpatay
Akda ni: Steven Manducdoc
Noong ika-1 ng Disyembre habang ako ay nanonood sa social media biglang lumabas ang balita tungkol batang nawawala at ito ay natagpuang patay at bilang isang residente na nakatira malapit sa pinangyarihan ng krimen ako ay ay nakiusisa dahil na rin sa dami ng tao na nag paabot ng kanilang pakikiramay sa social media na nag at napag alaman ko na ito ay ka eskwela ng aking kapatid na nasa ikalawang baitang kaya ang aming pamilya ay nakiramay narin sa batang babae na pinaslang at sa kanilang pamilya.
Ako ay nalungkot dahil sa mura niyang edad siya ay naging biktima ng panghahalay at siya pa ay hindi binigyan ng pagkakataong mabuhay at dahil sa nangyari bilang isang " nakatatandang kapatid ako ay naghigpit sa aking mga kapatid sa paglabas labas ng bahay at Sa huwag sasama sa mga hindi nila kilala.
Para naman sa lipunan sana ay mas higpitan pa nila ang pagbabantay sa mga mamamayan para sa kaligtasan at sa ika papanatag ng lahat at sana mahuli na ang taong gumawa ng krimen na ito. Damil mabilis kumalat. nag ang isyu na ito marami rin ang paabot ng tulong pinansyal para sa pagpapalibing at pagsasaayos ng burol ng batang biktima.
Hakbang sa Ilog
Akda ni: Jersey Mangabat
Kasabay ng paglubog ng araw noong araw ng Huwebes, ako ay patungo sa munisipyo ng General Mariano Alvarez, Cavite. Sa tapat ng munisipyo, narinig kong nag-uusap ang dalawang lalaki na naka-uniform mula sa General Mariano Alvarez Technical High School, makikita sa mukha ng dalawang lalaki ang matinding galit at lungkot habang ikinukuwento ang pagkasawi ng batang babae sa kamay ng isang kriminal. Sa aking mga narinig, nakakalungkot isipin na ang isang batang babae na puno ng pangarap ay napaslang at ang mga pangarap niya ay hindi na makakamtan pang muli.
Naitala ang pagkasawi ng isang batang babae sa General Mariano Alvarez, Cavite at natagpuan ang kanyang bangkay sa ilog ng Barangay Ramon Crus noong Nobyembre 30 2023, Huwebes ng gabi. Ang balitang ito ay kumalat sa iilang barangay na nagdulot ng pagkagalit sa mga tao. Nakalulungkot mang isipin ang pagkawala ng batang babae ngunit kailangan natin maging handa sa mga peligro ng hindi natin maiiwasan. Sa kabila rin ng taon-taong pagsasagawa ng curfew sa lungsod na ito ay hindi pa rin maiiwasan magdulot ng takot sa kahit na sino sa kadahilanang ang trahedya ay hindi natin malalaman kung kailan ito mangyayari.
Ayon sa mga impormasyong ito, tungkol sa pagkasawi ng isang batang babae sa lungsod ng General Mariano Alvarez sa Cavite ay nagdulot sa akin ng pangamba at takot sa aking sarili. Ito ay nagpapaalala sa akin na walang sinuman ang ligtas sa peligro at sa kapahamakan. Ang implikasyon ng balitang ito ay hindi lamang sa aking sarili bagkus ay sa lipunan din. Ito ay nagdulot ng kawalan ng katiyakan at pangamba sa mga tao sa seguridad ng lipunan. Ang balitang ito ay maaaring magsilbi bilang isang hamon sa lokal na pamahalaan upang palakasin pa ang kanilang pagsisikap sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa kanilang ginagalawang lipunan. Ang impormasyong ito ay hindi lamang nagbibigay paalala kundi nagbibigay rin ng gabay sa bawat isa patungo sa ligtas na pamumuhay.
Pangarap sa Langit
Akda ni: Angelene Real
Ang balita tungkol sa batang babaeng estudyante na ginahasa at pinaslang sa isang ilog sa Brgy. Ramon Cruz ay agad ba kumalat sa bawat panig ng GMA, Cavite noong araw ng Disyembre 1, 2023. Ang batang biktima ay nasa edad na sampu pa lamang at kasalukuyang nag-aaral sa paaralang elementarya ng Area J (ARJES) na siya namang nasa ika-2 baitang. Nakalulungkot marinig at isipin na isa isa na namang walang muwang na paslit ang biktima ng masalimuot na mundo sa paraang kasuklam-suklam.
Ayon sa aking mga narinig, sa aking mga magulang sa loob ng aming tahanan, hindi pa raw nahuhuli magpahanggang ngayon ang salarin. Sa pagpaslang sa bata na siya namang nakababahala. Ayon naman sa napag-usapan ng aking mga kamag-aral sa loob ng aming silid-aralan, ang biktima raw ay natagpuan sa isang ilong sa Barangay ng Ramon Cruz. Bakas sa kanilang mga mukha ang takot at galit na tungkol sa karumaldumal na pangyayaring iyon. Kahit pa ako ay nakaramdam ng matinding pangamba dahil ang biktima ay isa ring estudyante 'gaya ko. Ang pinangyarihan ng krimen ay malapit lamang sa aming tahanan maski na rin sa paaralan ng ARJES na talaga namang nakababahala. Idagdag pa rito ang maigting na pagbabantay ng mga tanod ng bawat barangay na tila ba hindi pa rin sapat sa pag-iwas sa isang peligro o krimen. Sa panahon ngayon ay dapat tayong maging alisto sa ating paligid ngayon lalong-lalo na ang mga kabataan; para sa kanilang kaligtasan ay marapat lamang na umuwi sila galing sa paaralan sa takdang oras o hindi naman kaya ay may kasamang tagagabay. Aking napagtanto na ang pangyayaring ito ay nagdulot ng matinding takot sa mga magulang at mga estudyante, mababakas sa tono ng kanilang mga boses ang hindi maikukumpara ang pangamba at galit. Ang aking narinig na usapang ito tungkol sa isang batang ginahasa at pinaslang ay nagsisilbing paalala na marapat lamang akong maging mapagmatyag sa lugar na aking nakikilala. Ang implikasyon ng balitang ito ay hindi lamang sa aking sarili kung hindi na rin sa ating lipunan. Mahalagang matutunan ang "self-defense" ng bawat isa at ng lipunan.
Ang masalimuot na karanasan ng batang iyon ay nagsilbing paalala na sa panahong ito ay hindi pa rin mawala-wala ang peligro ng paligid kaya naman ang pagiging alisto at maingat ay ilan lamang sa maaaring paraan upang makaiwas sa kapahamakan. Aking hiling na sana'y maging payapa ang kaluluwa ng batang biktima, mahuli ang salarin sa krimen, at maibigay ang hustisya ng nararapat sa bata at sa pamilyang naiwan nito.
Malagim na Trahedya
Akda ni: Mariel Tobongbanua
Isang nakakalungkot na balita ang aking natanggap. Bungad ng araw ko at nakakagulat na mga pangyayari. Ang malagim na trahedya sa lugar kung saan ako lumaki, sa Antique. Pauwi pa lamang ako galing sa paaralan noong ika-5 ng Disyembre. Gulat ako noong binuksan ko ang aking selpon. Nakita ko ang mga bagong balita na may isang bus daw ang nahulog sa mataas na bangin.
Ika-5 ng Disyembre, alas kwarto ng hapon na nangyari ang aksidente sa Brgy. Igbucagay, Hamtic Antique. Nakakagulat ang trahedya na ito at hindi naman talaga maiwasan ang mga ganitong pangyayari. Marami ang nasawi at nawalan ng pamilya dahil sa aksidente. 18 na tao ang namatay matapos mahulog ang bus sa isang matarik na bangin sa Antique. Kompirmado daw na nawalan ng preno ang bus kaya ito nawalan ng kontrol at nahulog sa bangin. Sugatan naman ang ibang pasahero nito.
Nakakalungkot basahin ang isang balita tungkol sa trahedya dahil marami ang nawalan ng pamilya at mga miyembro ng pamilya. Bilang isang Antiqueño, masakit sa damdamin ang nangyari dahil papalapit na ang pasko at hindi pa makokompleto ang mga pamilyang nawalan ng mga anak, ina, ama o magulang dahil sa malagim na trahedya sa Antique. Sana hindi na ito maulit pa at dapat maging maingat na tayo.
Nakakatakot ito para sa akin dahil nais pa naman sana namin mag bakasyon sa Antique pero takot kami dahil nga sa nangyari. Sana masolusyunan din ito at mabigyan ng pansin ng gobyerno para hindi na maulit pa.
PANGKAT TATLO
Ilog
Akda ni: Carlo Alamani
Bali-balita sa barangay Gavino Maderan ang batang ginahasa sa ilog ng barangay Ramon Cruz. Batang babae na sampung-taon gulang na nagngangalang "Abegail". Natagpuan ang bangkay ni Abe na hubo, puro bangas, at nay batong nakadagan sa ulo. Nakakalungkot ang pangyayaring ito, dahil ang sabi ay naglalaro lamang ito ng bola kasama ang mga kaibigan niya, at binalikan niya lamang ang bolang naiwan, ngunit, pinagsamantalahan siya ng hindi kilalang lalaki. Iba-ibang emosyon lumabas sa isip ko, iniisip ko ang pinagdaanan ni Abe, ang reaksyon ng pamilya nito, at ang tumatakbo sa isip ng biktima sa kaniya. Sana ay mahuli na ang suspek ng krimen na ito, maaring marami na ang biktima o mabibiktima nito. Dahil dito, natatakot ako para sa mga batang malapit sa buhay ko at para saakin, lalaki man o babae maaaring mabiktima ng rape kahit anong edad pa man iyan.
PUNO NG BUHAY
Akda ni: Arwin Ambayec
Sa isang bayan ng Cavite,may isang paaralang aktibo, at ito ay ang paaralang teknikal ng General Mariano Alvarez Technical High School o mas tawagin ay GMATHS. Kung saan ang dalawang organisasyon ang nagpatupad ng programa tungkol sa pagtatanim ng puno habang nasa ilalim ng modyular na pag-aaral ang mga estudyante, layon nila na maihandog ito para sa paparating na kapaskuhan at makatulong narin sa kanilang paaralan. Nang matapos na ang programang iyon, samu’t saring reaksyon ang naging hatid nito sa mga estudyante, kung saan mas umiiral ang pagiging positibo nila sa pagbabahagi ng kanilang komento sa programang naganap. Marahil napagtanto nila na hindi lang nakakatulong sa kanilang sarili at paaralan, kung hindi pati sa ating lipunan. Batid pa ng organisasyon na makakatulong ang programang ito upang magsilbing panimula para sa mas maayos na hakbang tungo sa pag-unlad ng isipan ng ating sarili, higit narin ng buong bansa. “ Totoo ba? Napakasipag talaga ng ating organisasyo” ika ni lovely maglente n nasa ikasampung baitang. “Totoo mars, magaling talaga ang GMATHS” tugon ni Miralyn Maglente sa Fb ng kanyang kapatid.
Paglaom
Likha ni: Thea Janeca Armas
Habang nagkakainan ang mga tsuper sa karinderya ng aking tiyahin. Nakikita ko sa kanilang mga mata ang pagkadismaya at kuryosidad kung bakit wala pa gaanong pasahero’t estudyante kahit na simpleng araw naman. “Anong meron at wala pa akong mga naisasakay na estudyante. Wala bang pasok?” tanong ni Manong tsuper. “Kaya nga. Ang aga-aga ang alat ng biyahe ko!” sagot naman ng isa pang tsuper. Sa mga pagkakataong iyon, bahagyang ngumiti ako at tila wala silang alan kung anong mayroon at walang Face-to-face classes ang mga pampublikong paaralan. Agad namang sumingit sa usapan ang aking tiyahin sa usapan para ipaalam na wala talagang pasok ang mga nasa pampublikong paaralan dahil inilipat muna sila sa Asynchronous na klase para isagawa ang proyektong pagtatanim ng mga puno. Layon nito na mapanatuli wbg malinis at luntiang kapaligiran lalonsa mga paaralan na nagsisilbi na ring regalo sa kabataan at sa mga darati pang henerasyon. Sa sinabi ng aking tiyahin, napangisi ang mga tsuper at ahad na sinabi “Kailangan pa ba yun? Sayang lang ang araw na ito, kitang tayo naman ang mawawalan kapag walang estudyante lalo d’yan sa GMATHS.”angal ng isang tsuper. Kinontra naman ito ng isa pang tsupr at sinabing wala naman silang magagawa. Sa isip-isip ko, talaga namang nakapagtataka ang mawalan ng pasok sa isang simpleng araw ngunit marami rin ang hindi nakakaalam kung anong dulot o benipisyo nito. Lingid sa kaalaman ng iba,layon nitong mapaunlad at matulungan ang kapaligiran. Hindi lang iyon, ang proyektong ito ay isa sa mga natatanging proyekto ng kagawan ng edukasyon, kadalasan kung ano-ano lamang ang ginagawa nila o binibigay nginit ngayon kakaiba at nagbibigay pag-asa ang regalo nila. Sa akin, napakalaki ng maitutulong noto, matututo aking makihalubilo, maging responsible sa bagay-bagay, qt maging mapagmahalnsa sariling kapaligiran. Ngunit hindi lang ito nagtatapos sa aking sarili lamang, sa pagkakaroon ng ganitong proyekto ay maktutulong ito upang maging kaaya-aya at kalmadong kapaligiran lalong lalo sa pangalawa nating tahanan ng kabataan, ang paaralan. Minsan talagang ang mga hindi pa natin alam ang bagay, mas marami ang benepisyong makukuha at matatama natin. Masasabing hindi lamang sa proyektong ito ang tinutukoy ko ngunit sa mas malaki pang gulong ng buhay.
HINDI INAASAHANG TRAHEDYA
Akda ni: Lorein Catamora
Sa isang magandang araw nang hindi inaasahang ang bata papunta dapat sa kaniyang paaralan ay malalagay sa kapahamakan, Nobyembre 30, 2023 isang balita ang kumalat sa aming barangay, meron daw batang nawawala at kinalaunan at ay natagpuan sa isang ilog walang buhay at walang damit pang ibaba, base sa mga sabi-sabi ito raw ay naglalaro sa ilog at binalikan ang laruan na naiwan at pagpunta niya roon don na pala magwawakas ang kaniyang buhay.
YAPAK SA ILOG
Akda ni: Astryd Delos Reyes
Sa panahon ngayon maraming gumagawa ng krimen ngunit walang krimen na walang masamang dulot. Isa na rito ang karumaldumal na kaso ng rape o panggagahasa. Handa kana bang matunghayan ang sinapit ng isang batang babae?
Noong nakaraang gabi ay nagluluto ako ng kinuwento sa akin ang aking kapatid, lumabas daw siya at nabalitaan na may ginahasa malapit sa aming lugar, noong sinilip ko ang labas ng aming bahay ay maraming pulis ang ang sumalubong sa aking paningin. Napagalaman kong ginahasa ang batang sampung taong gulang pa lamang, gabi ito nawala at ilang araw bago ito natagpuan sa ilog ng Ramon Cruz na hubo’t hubad at wala ng buhay, mabilis ang pagkalat ng balita isa na rito na tatlong lalaki ang gumahasa sa bata at isa palamang ang nahuhuli. Labis ang hinahpis ng mga magulang ng bata matapos malaman ang sinapit nito.
Araw araw iba’t ibang klase ng krimen ang ating matutunghayan sa personal na interaksyon man o sa telebisyon, marapat na gamitin ito upang magbukas ang ating mga isipan at paningin sa totoong kinakaharap ng mundo. Pahalagahan ang kaligtasan ng sarili at nakararami, huwag masyadong magtiwala sa panahon ngayon. Malamang na malaki ang naging epekto nito sa lipunan dahil mas lumala ang kaso ng krimen, sa aking sarili naan ay takot at pangamba sa aking nakakasalamuha at sa aking sariling lugar.
Pagyanig
Akda ni: Angela Hernandez
Isa ang bansang Pilipinas sa mga nakapaloob sa Pacific Ring of Fire. Hindi na bago sa atin ang makaranas ng paglindol. Gayunpaman, madalas man natin itong naranasan ay takot at pangamba pa rin ang unang ating nararamdaman dahil sa kakulangan ng kahandaan ng mga Pilipino.
Nito lamang nakaraang linggo ay may nangyaring malakas na pagyanig sa Mindanao na naging sanhi nang pagkabahala at takot sa maraming Pilipino. Tulad na lamang noong ako ay pauwi sa aming tahanan ay narinig ko ang usapan ng aking kapitbahay. “Malapit na ata magunaw ang mundo. Sunod-sunod ang mga nangyayaring kalamidad.” Tunay ngang nakakabahala ito, ngunit naniniwala ako bilang isang Pilipino, ay walang pagsubok na hindi natin kinaya.
Sa pangyayaring ito ay napagtanto ko ang kahalagahan ng paghahanda sa mga kalamidad. Ito ay nagbibigay daan sa lipunan upang ating mas maunawaan ang kahalagahan ng kahandaan at pagiging alerto anumang oras upang mapanatili ang ating kaligtasan.
Bayan at Karahasan
Akda ni: Khassofia Lalosa
Habang ako ay nanonood sa aming sala ay naisipan kong ilipat sa ibang ibang palabas ang aking pinapanood sapagkat ito ay pagpapatalastas pa, at sakto namang kakasimula lang ng balita, nakuha nito ang aking atensyon kung kayat akin itong pinanood. Naitala sa balita ang tungkol sa naganap na pambobomba sa MINDANAO STATE UNIVERSITY (MSU) naitala sa balita ang bilang ng mga taong naapektuhan sa naganap na pambobomba, nakita ko rin sa balita ang epekto nito sa lugar,marami ang nasawi at sugatan. Habang pinapanood ko ito ay nakaramdam ako ng takot at pag-aalinlangan sa mga bagay-bagay, katulad na lamang ng takot at alinlangan ng dahil sa mga nagaganap na karahasan, kung kayat nararapat lamang na gumawa ng aksyon ang ating pamahalaan na pag higpitan ang ating siguridad mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng ating bayan, nang matigil ang karahasan sa ating bansa na nagdudulot ng takot sa ating mga mamamayan.
Ang Bata sa Ramon Cruz
Akda ni: Jugille Quian
Noong Disyembre 5, 2023 pag-uwi ko sa aming bahay narinig kong nag-uusap ang aking mga magulang. “Sobrang nakakaawa ang nangyari sa batang iyon” sabi ni Mama, “Oo nga eh walang awa ang gumawa sa kanya non” sagot ni Papa. Sakto sa aking pagbaba ng hagdan upang bumati sa kanila ang tawag naman sa akin ni Mama “Halika dito Ann, ikukuwento namin sayo ang nangyari sa isang bata sa Ramon Cruz”.
Noong Disyembre 1, 2023 ang isang bata na nagngangalang Abigail na sampung taong gulang lamang ay napadpad sa isang ilog kasama ang kaniyang mga kaibigan o kaklase sa kuwento ng aking mga magulang nandito sila upang maglaro ng may dumating na tatlong lalaki at isa sa kanila ay may dala-dalang itak sa takot ng mga bata sila ay nagtakbuhan ngunit naiwan si Abigail. Siya ay hinampas ng malaking bato sa ulo at ni-rape pinasukan din ng kung ano-anong bagay ang kanyang ari, natagpuan siyang patay na. Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng takot at pangamba sa mga tao lalo na sa mga magulang, madalas sa mga estudyante ngayon ay nakakauwi na ng gabi dahil sa mga gawaing pampaaralan kaya ang mga magulang ay nag-aalala para sa kaligtasan ng kanilang mga anak. Sana ang nangyaring ito ay magbigay kamalayan at aral sa mga tao, sa mga estudyante na mahalagang umuwi ng maaga at wag magpagabi sa daan, sa mga magulang na tanungin din ang kanilang mga anak kung kailan sila makakauwi.
Trahedya sa Antique
Akda ni: Ann Sibag
Hapon na noong ako ay magising mula sa pagtulog galing sa school ng aking maisipan na manood ng telebisyon sa aming tahanan upang pampalipas oras, at akin nang binuksan ang aming telebisyon ngunit ito’y saktong na sa balita. Maya-maya lamang ay naibalita ang tungkol sa trahedyang nangyari sa Antique kung saan ang isang bus ay nahulog marahil sa nawalan ito ng preno, at namataan na labing walo na katao ang namatay sa nangyaring trahedya. Pagkatapos manood ay nakaramdam ako ng takot marahil aking inisip na sadyang hindi talaga maaasahan na may mangyayaring trahedya sa anomang oras, lugar at panahon. Habang nanonood ay nagluluto ang aking nanay ng ulam para mamayang gabi at kaniya niya akong inutusan sa labas upang bumili ng ilang rekados, at ako nga ay lumabas upang bumili, at habang nakatayo sa labas ng tindahan ay aking nakita ang dalawang mag-asawa na tindero sa kalye kasama ang iba pa.
Naming mga kapitbahay, at aking narinig na sila ay nag-uusap tungkol sa napanood kong balita tungkol sa trahedyang nangyari sa Antique. Sa kanilang pag-uusap ay aking narinig ba sila’y lubos na naaawa para sa mga pamilya ng mga nasawi sa nangyaring trahedya, at dahil ako’y nagmamadali at kailangan na ni mama ang mga rekados ay ako’y lumapit sa kanila at para sabihin na “pasensya na po pero pabili po! “. Ako’y nakauwi at nabili ang dapat kong bilhin at kasabay nito aking pangkaisipan na talaga nga na nakakagimbal ang mga nangyari marahil rito ay naghatid ito ng takot sa ibang tao gayundin sa aking sarili, at aking aking naisip na ito ay isang kamalayan kung paano ko iingatan ang aking sarili labas o loob man ng tahanan, at dahil dito nagbigay rin ito ng takot sa mamamayan para sa kanilang pamilya at sarili na siyang naging rason kung bakit kailangan nilang panatilihin ang kanilang mga pamilya sa anomang oras, marahil ang trahedya ay hindi maasahan at ang trahedya na ito ay nagbibigay kaalaman na nagkaroon ng dobleng pag iingat sa mga tao at lalo na sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan na siguraduhin maayos ang sasakyan bago bumiyahe at siguraduhin ang kaligtasan ng bawat pasahero sa kanilang dala-dala na sa gayon ay maiwan ang ganitong trahedya.
World War lll
Akda ni: Gabriel Yamson
Kamakailan lamang ay aking nabalitaan ang nangyaring gera sa pagitan ng bansang Israel at Palestine, nakakatakot sapagkat sunid-sunod ang alitan ng nga bansa. Una ay noong gera sa pagitan ng Ukraine at Russia, sunod naman ay ang agawan ng West Philippine Sea/ South China Sea ng Pilipinas at ng China, ngayon naman at ang sa Palestine at Israel. Nakakapanindig balahibo ang mga nangyayari sa bansa, kaya napaisip ako, “guguho na ba ang mundo?”. Noong nakaraang linggo habang ako ay nag-iigib ng tubug kila lola Meddy ay kinausap niya ako patungkol sa isyu ng Palestine at Israel. “Nagbabasa ka ba sa Facebook?” tanong sakin ni lola Meddy, “opo” naman ang sagot ko, “grabe kawawa ang Israel sa Palestine, hinagisan ng bomba tapos pinaulanan ng rocket”. Nang panahon na iyon ay alam ko na ang isyu ng dalawang bansa ngunit wala ako masyadong kaalaman kaya umu-oo nalang ako at nakinug sa kwento ni lola Meddy. “Diba nalalalibutan ng mga muslim na bansa ang Israel?, eh bago lang ang bansang iyon sa Europa kaya siguro inaagaw ang lupa” sabi niya, “hmm” lang naman ang sagot ko. Nabasa mo ba ‘yung sa balita?, ginamit ng mga Hammas ang mga batang Palestino bilang panangga sa mga Israelita kasi alam nila na kailanman ay hindi magagawang saktan ng Israelita ang bata, sobrang nakakatakot”. Ayon yung parang meme na nakita ko sa Facebook, wala akong gaanong ideya tungkol sa litrato kaya hindi ko naintindihan. “Opo, ayon po yata yung nakita kong post sa Facebook” ang sagot ko kay lola Meddy. “ Hindi ba?, nakakaawa ang Israel, pero nakasulat ito sa bibliya na magkakaroong ng maraming geta at tagutom kaya nga tumaas ang mga bilibin”. Napagtanto ko na nakakatakot pala talaga ang mundo. May mga bagay pala na sobrang sama ang nangyayaru sa labas ng bansa. Napaisip ako, paano kaya kung sa Pilipinas nangyari ang gera at ang kalaban natin ay ang bansang China?, paano nalang tayo?, paano nalang ako at ang mga pangarap ko?, dahil satingin ko malapit na maganap ang gerang nasa isip ko. Noong panahon na’yon napaisip ako kung ano ang pwedeng maging solusyon. “Dapat maghigpit ang bansa natin”, “dapat palitan ang pangulo kasi siya ang nakikipag kaibigan sa ibang bansa, hindi ba nila alam na ginagamit lang nila tayo?”, at marami pang iba. Saka pumasok ang realisasyon sa’kin, dapat maging handa tayo sa kahit anong sakuna at dapat alam natin ang mga nangyayari sa ating paligid, loob o labas man ito ng bansa, para kung nay maisip tayong solusyon ay maibabahahi natun ito. Sana lahat ng tao wy may realisasyon din tulad sakin, upang lahat sila ay malinawan kung gaano kadelikado ang nga ganitong isyu. Ang mga ganitong impornasyon ay malaki ang maitutulong sa lipunan, bagamat hindi sa atin nangyari ang gera, naway mag baliktanaw ang lahat sa nangyaring gera sa Israel at Palestine sapagkat maari itong mangyari satin at maging dahilan upang maghigpit tayo sapakikiisa sa ibang bansa mga bansa tulad ng China at Amerika at huwag makielam sa mga isyu ng ibang bansa tungkol sa gera upang hindi tayo madamay
PANGKAT APAT
Kagimbal-gimbal na Pangyayari
Akda ni: Elizabeth Balte
Noong araw ng ika-1 ng Disyembre nakita kong inanunsyo ng isang page na ang nawawalang 10 taong gulang ay natagpuang wala nang buhay sa isang ilog sa Brgy. Ramon Cruz. Ako ay labis na nalungkot sa nangyari at ako rin ay nagalit sa hindi pa nakikilalang suspek, nagulat ako noong bigla nalang ako ay makatanggap ng mensahe galing sa aking kapatid at magulang.
Sa mensahe:
Ate: Nabalitaan niyo na ba yung batang natagpuang patay diyan malapit sa atin?
Kuya: Oo, taga Maderan daw pero natagpuan sa ilog ng Ramon Cruz.
Mama: Kawawa naman ang bata, 10 taong gulang pa lamang.
Kuya: Oo nga ma eh, taga walis daw sa Brgy natin ang magulang niyan.
Mama: Oh! mag-iingat kayo diyan lalo na si Bunso (Ako) sunduin na paggagabihin nang uwi.
Ako: Opo ma, hindi naman na po ako masiyado nauwing gabi at kung minsan man na ako ay ginagabi ako ay nagpapasundo na kay kuya.
Mama: Mabuti iyang mag-ingat na lalo na sa panahon ngayon na may nangyayaring masama.
Simula noon hindi na ako umuuwing gabi dahil ako ay nag-iingat na dahil sa nangyari. Lahat ay dapat mag-ingat lalo na ngayong panahon na maraming nangyayaring masama o hindi maganda. Dahil sa nangyaring iyon nagbakas itong malaking takot sa mga mamamayan ng aming barangay, marami rin ang nagalit dahil sa nangyaring iyon.
Pagtaas ng Bilihin
Akda ni: Rex Beredico Jr.
Ang Pilipinas ay humaharap sa iba’t-ibang klase ng problema ay ang kriminalidad,ipinagbabawal na gamot, kawalan ng trabaho, pagbagsak ng ekonomiya pagtaas ng mga bilihin at marami pang iba. Sa mga problemang ito, nangingibabaw ang pagtaas ng nga bilihin sapagkat hanggang ngayon ay kinakaharap pa rin ito ng ating bansa. Nagkaroon na rin ng mga pangangamba ang mga tao, usap-usapan at pinagtibay pa ng mga impormasyon sa balita sa mga telebisyon. Ngunit paano nga ba natin ito maiiwasan at ano - ano ang mga sanhi kung bakit natin ito nararanasan?
Base sa aking pagsusuri sa internet at mga impormasyon sa balita sa telebisyon, noong setyembre 1984 ang Pilipinas ay humaharap sa napaka tinding pagtaas ng bilihin.
Saradong Isip sa Sakit sa Isip
Akda ni: Mikaella Bernardez
Ito ay nandiyan lang, nasa tabi mo lamang at 'di mo alam kung sino ang maaaring matamaan. Sakit na 'di mo mapapansin, nakikita at nararamdaman sa umpisa. Ngunit hindi ito dahilan para baliwalain at hindi bigyan ng pansin. Habang ako nga ay pauwing pagod na nakasakay sa jеер, napukaw ng atensyon ko ang dalawang nanay na nag chi-chismisan. Bilang isang usisera ay nakikinig ako sa usapan nila ng wala sa oras. Nag uusap sila tungkol sa dalagitang anak ng kapitbahay nila na nagpatiwakal daw, hindi ko alam pero habang ako ay nakikinig, ako na mismo ang nasasaktan at naiinis para sa dalagitang iyon. Paano ba naman ay parang sarkastikong tono ang mga pananalita nila. Sabi ng isang nanay "Ang bata-bata pa pero nagpakamatay dahil lang sa problema, parang problema lang e, pwede namon solusyunan 'yon" Sabi nitong nakakunot ang noo. Ni-hindi naman nila kilala ng personal yung anak ng kapitbahay nila pero minamaliit na agad nila ang pinagdadaanan nito? dagdag pa nung isa "Nako, e tayo ngang matatanda na't sandamakmak ang problema at isipin sa buhay ay nalaban parin. Ganiyan talaga mga bata sa panahon ngayon e no? masyadong nagpapadala minsan, ang oa na, akala mo naman ay napakabigat ng pinagdadaanan e mga palamunin palang naman pero akala mo'y napakalaki ng mga pasanin" ng mga oras na 'yon ay nais ko sanang makisabat, ako na mismo ang nasasaktan sa mga naririnig ko. Hindi ko maintindihan bakit ganoon na lamang ang takbo ng mga pag iisip nila. Alam mo yung parang hindi sila nabalitaan na iba-iba ang kapasidad ng tao, mapabata man o matanda, lalaki man o babae. Na hindi porket kaya nila ay kaya din ng iba, tila ba ang manhid ng dating nila o yung tinatawag na insensitive. Mabuti na lamang ay huminto na yung jeep sa aking bababaan, hindi ko na kakayanin pa na manatiling makinig sa usapan nila. Habang ako ay naglalakad pauwi napapatingin ako sa mga tao at napaisip nalamang kung ano kaya ang pakikitungo ng ibang tao tungkol sa ganitong usapin? kaya naman sa aking pag uwi, napahagilap ako sa internet, may nakita akong kumakalat na pauso o trend kung saan ay sinusugatan nila ang kanilang sarili. Meron namang iba na ipinapahayag na sila ay nadedepres kahit 'di nila alam ang lalim nito. Nakakasukа, nakakainis, at nakakayamot na para bang ginagawa lang nilang biro-biro at laro-laro ito. Naalala ko tuloy ang mga kilala ko na mahilig mag bahagi ng mga post sa facebook ng kanilang mga brasong sinadya nilang sugatan na madalas ang dahilan ay pakikipag hiwalay ο 'di naman kava ay tampuhan sa mga jowa nila. Sumasakit ang aking ulo sa tuwing iniisip ko kung bakit nila ginagawa iyon, upang masunod at makuha nila ang mga nais, o 'di naman kaya ay para magpapansin o tinatawag na for clout lamang. Gaya nga nung sabi ng dalawang nanay sa jeep, masyado silang nagpapadala, ngunit hindi naman lahat. Dahil sa mga ganitong klase ng kabataan ay ganoon ang nagiging dating sa mga nakakatanda, pati tuloy ang mga tunay na nakakaranas at naghihirap sa depresyon ay nadadamay dito. Dahilan kaya hindi din sila siniseryoso ng lipunan, ang tingin sa kanila ng matatanda ay malulungkot na bata na mahihina ang loob. Ang iba pa nga ay pinapayo na idaan na lamang ito sa dasal, ito'y tila kapos lamang sila sa dasal, minsa'y nasasabihan pa na nagpapadala sa demonyo. Ang depresyon ay isang sakit, kaya ang sakit lang isipin na ganito ang dating sakanila nito. Hindi ito magagamot ng dasal lamang, kinakailangan nito ng tulong ng taong dalubhasa dito. Bakit? ang taong may cancer ba ay papayuhan mo na magdasal lamang imbis na komunsulta sa doktor? akala ng iba ay ang matatawag lang na sakit ay yung mga makikita sa katawan o 'di naman ay lilitaw pisikal. Malapit na ang taong 2024 ngunit madami pa din ang nakapikit, nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan. Madami pa din ang pilit sinasarado ang kanilang isipan dahil nga sabi nila, sa panahon nila ay ganito... ganiyan nakakadismaya.
Sayaw sa P.E
Akda ni: John Vic Estrelles
Isa sa activity namin ngayon para sa pangalawang quarter ay ang Dance performance para sa asignatura namin sa P.E wala pang second quarter usap-usapan na sa aming silid aralan na meron nga daw magaganap na sayaw, pero sa mga oras na ito ay wala pang kasiguraduhan dahil wala pang anunsyo mula sa aming guro sa P.E.
Nang dumating na ang araw na sinabi na ng guro namin na totoong may sayawan ay pagkasapik agad ang naramdaman ng aking mga kamag-aral.
Mag aaral 1: Dito mag palista ang gustong sumama sa Cheer dance!
Mag aaral 2: Dito naman sa akin mag palista ang sasama sa hiphop dance.
Lumipas ang mga araw at nag simula na ang pagsasanay para sa sayaw na pinili ng bawat isa, Pagkatapos ng ilang lingong pagsasanay ay dumating na ang huling pag sasanay kung saan narinig ko na ang usapan sa mga dapat suotin ng bawat isa.
Pagkatapos ng huling pagsasanay at masusing pag plano ay sa wakas matagumpay na natapos namin ang pagtatanghal dahil nadin sa pag-sunod sa sa mga plano ng mga kasapi sa namumuno. Natutunan ko na kung ang bawat isa ay susunod at makikipag tulungan ng malaki ang tiyansa na maganda ang magiging daloy ng plano. At higit sa lahat ang komunikasyon kung ang bawat isa ay matututong makipag tulungan at tiyak na magiging maganda ang kalalabasan pero hindi ito mangyayari kung wala ang isang mahusay na pinuno. gaya ng narinig ko sa usapan nila at sa mga napansin ko noong nag-uusap sila patungkol sa plano at isa lang ang natitiyak ko, ito ay ang para sa ikabubuti ng lahat para ng sa ganon ay maging maganda ang pagtatanghal.
Buhay Ang Kapalit
Akda ni: Rachel Mae Lagunzad
Ang mga mamamahayag ay mahalaga sa ating lipunan. Naniniwala ba kayo? Kung wala sila walang maghahatid ng mga makabagong balita na nangyayari sa ating bansa. Masaya sigurong maging mamamahayag dahil naaalam o napapasok ang pasikot-sikot na problema sa ating lipunan. Pero masaya nga ba kung ang kapalit nito ay ang kanilang buhay. Mapa radyo man o telebisyon na babalita ang pagpatay sa mga mamamahayag. Pinapatay na walang kalaban laban, pinatay sa karumal -dumal na paraan.
Octobre 3 ay binalita sa telebisyon ang pagpatay sa isang mamamahayag na kilala sa tawag na Percy Lapid na mula sa Las Piñas. Pinatay siya mismo sa loob ng istasyon kung saan mismo siya nagbabalita . Marami ang nagulat sa nangyari dahil maraming tao ang nakapanood ng kasalukuyang pagbabalita ni Percy Lapid. Hindi matanggap ng pamilya ang kanyang sinapit. Walang pamilya ang hindi nagdadalamhati kung namatay ang isa sa miyembro sa hindi tamang paraan. Nakakalungkot isipin na ganito ang nangyayari sa mga mamamahayag buhay ang kinuha sa kanila kapalit ng mga balitang kanilang binabahagi sa bawat Pilipino. Sa panahon ngayon nakakatakot na maging mamamahayag kaya nakakabilib ang pinapasok ang gantong trabaho. Kung noon masasabi kong wala masyadong gantong pangyayari. Base sa isyu masasabi na ang naging epekto nito sa aking sarili ay maging mulat sa nangyayari sa bansa at nagbigay din sa akin na aral mag-ingat kung ano ang lumalabas sa ating bibig dahil hindi natin alam kung ano ang magiging kapalit nito. Para sa lipunan kung patuloy na mangyayari ito madaming mamamahayag ang matatakot sa gusto nila maipahayag sa bawat Pilipino. Mababawasan ang mga nagpapahayag ng mga balita . Hindi tayo magiging mulat sa mga pangyayari sa ating bansa.
Tungkulin
Akda ni: Jan Rheniel Leynes
Basura!! Yan ang katagang malimit sinisigaw ng mga nangongolekta ng basura sa tuwing araw ng koleksyon, kung minsan nga ay nagagalit pa sila sa tuwing nahuli ka sa pagtapon ng basura ay kung di nakabukod ang mga itatapon mong basura, ngunit ilang buwan na ang nakalipas ilang buwan na ang ang nakalipas ay tila bulkang pumutok ang mga kolektor ng basura. Tila naging tambakan ang bawat kanto ng kalye ng mga barangay. Kaya naman di na rin maiwasan ng mga tao ang may masabing masama sa kinauukulan sapagkat kung sino pa ang kanilang inihalal sa pwesto ay sya pang ang nagpapahirap sa mga botante, sa kadahilanang ang mga tambak na basura ay naglalabas ng masansang na amoy na syang maaaring magdulot sakit, lalo na sa mga kabataan. Kaya naman di na rin nakapagtataka na halos umapaw na ang opisina ng kinauukulan sa dami ng reklamong natatanggap nito galing sa mga mamamayan na syang naaapektohan sa tambak-tambak na basura sa mga kalye. Ika pa nga ng iba ay “Sa bahay kaya ni mayor itambak yan” o di kaya’y “Dalhan na sa munisipyo yan para sila na ang maperwisyo”. Alam naman nating mahirap na pagsubok ito para sa kinauukulan ngunit kinakailangan nilang gawan mg paraan para masolusyunan ito ng mabilisan sapagkat sa simoleng di pagkolekta ng basura ay maraming bagay o tao ang maaaring maapektohan at kung lumala pa ay maaari din itong kumuha ng buhay, kinakailangan nila itong solusyunan dahil ito ay kanilang tungkulin na kailangan nilang gampanan sapagkat ang mga mamamayan naman ay ginagampanan din ang kanilang mga tungkulin sa bayan. Marahil ang bawat isa sa pamayanan ay sarili lamang ang iniisip ngunit dapat nating baguhin itong gawing ating nakasanayan, nakailangan nating magkaisa upang makabuti di lang para sa ating sa lahat o bawat isa sa loob ng ating pamayanan.
KATHNIELS
Akda ni Angela Maglasang
Ang hiwalayang KathNiel ay isang malaking balita sa mundo ng showbiz. Maraming mga tagahanga ang nabigla at nalungkot sa paghihiwalay ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa loob ng maraming taon, sila ay naging isa sa mga pinakasikat at pinakamamahal na tambalan sa industriya ng pelikula at telebisyon. Ang kanilang tambalan ay nagdulot ng maraming mga tagumpay at mga alaala sa mga manonood. Ngunit tulad ng ibang mga relasyon, hindi lahat ng bagay ay magtatagal. Ang hiwalayang KathNiel ay isang paalala na ang mga artista ay tao rin na may mga personal na buhay at mga pinagdadaanan. Hindi natin alam ang eksaktong dahilan sa likod ng kanilang paghihiwalay, ngunit dapat nating igalang ang kanilang desisyon at bigyan sila ng espasyo para sa kanilang sarili.
Kurso
Akda ni Lois Claire Mendoza
Araw ng Huwebes, isang linggong preparasyon para sa aming maikling palabas na gagawin sa asignaturang Pilosopiya. Kasama ang aking mga ka grupo, kami ay nagplano ng aming magiging pamagat na maitutulad sa ibinigay na paksa ng aming guro. Sa mga lumipas na araw na paghahanda ay nakabuo kami ng eksena, katulong si Gerome bilang aming scriptwriter at Sheina bilang aming direktor ay pumili kami ng magiging tauhan at sinimulan namin ang pagkuha ng mga eksena na nagpapakita ng mga karaniwang nararanasan ng isang mag-aaral. Sa tulong ng editor na si Angela at Ako bilang sa sinematograpiya, kasama na rin ang aming mga pangunahing aktor at aktres na sina Rex, Rachelle Mae, at Chelsy ay naisakatuparan namin at naipakita ang kahalagahan ng pagpili ng nais mong kurso sa idinidikta sa iyo ng iba.
Hindi Man Lang Nakamit ang mga Pangarap
Akda ni Trishia Mae Vargas
Ngayong taon, sa buwan ng Disyembre isang kwento ang aking narinig. Kalat nga ang pangyayaring ito sa aming lugar, sapagkat kung saan saan ko ito nairinig, sa paaralan, sa tahanan, at maging sa pamilihan. Ang balitang ito ay tungkol sa isang bata na ginahasa at pinatay. Ayon sa aking narinig musmos pa ang batang ito, nasa sampung taong gulang pa lang ang bata. Kadalasan sa ganitong edad ay wala pang ibang iniisip kundi maglaro at magsaya lamang ngunit sa kasamaang palad sa murang edad ay nakakalungkot ang nangyari sa bata. Sari-saring emosyon ang aking nasaksihan sa mga tao sa paligid ko. Maging ako ay nalungkot sa nabalitaan. Hindi man lang nakamit ng bata ang kaniyang mga pangarap. Nawalan siya ng tyansa na mabuhay sa ating mundong ginagalawan. Ang pangyayaring ito ay naging babala sa bawat isa, ang krimen at kamatayan ay walang pinipiling oras, walang pinipiling edad, mapabata man o matanda.
Pagkilos para sa Malinis na Kapaligiran: Sama-sama Nating Labanan ang Paglaganap ng Basura sa Paaralan at Kalye
Akda ni Ernesto Yanson
Pagsulong sa kamalayan at pagkilos sa kasalukuyang panahon, isa sa mga pinakamatinding suliranin na kinakaharap ng ating lipunan ay ang patuloy na paglaganap ng basura sa paaralan at kalye. Ang ganitong kalagayan ay nagiging isang malawakang problema na hindi lamang nakakaapekto sa kalusugan at kapaligiran, kundi pati na rin sa imahe ng ating komunidad. Kailangan nating suriin ang mga posibleng sanhi at bunga nito upang mapangalagaan ang ating kapaligiran at mabawasan ang basura sa ating mga paaralan at kalye. Ang basura sa paaralan at kalye ay hindi lamang nagdudulot ng kawalan ng kalinisan at kaayusan, kundi maaari rin magresulta sa pagkalat ng sakit at iba pang malubhang mga suliranin sa kalusugan. Ito rin ay nagiging isang panganib sa mga hayop na maaaring maapektuhan ng mga basurang maaaring ikalat nila sa mga kalye. Sa pagkilos upang malunasan ang suliranin na ito. Nagsisimula ang isang organisasyon sa paaralan na tinawag nating sama-sama para sa malinis na kapaligiran (SMK). Layunin ng SMK na magkaroon ng malawakang kamalayan at pagkilos sa mga estudyante, guro, magulang, at iba pang mga kasapi ng komunidad upang labanan ang paglaganap ng basura. Ang SMK ay maaaring magsagawa ng iba't ibang mga aktibidad upang matugunan ang suliranin ng basura sa paaralan at kalye. Narito ang ilang mga mungkahi:
Una, Edukasyon at kampanya: Magsagawa ng mga seminar, workshop, at mga pagsasanay upang magkaroon ng kamalayan ang mga estudyante, guro, at magulang tungkol sa kahalagahan ng wastong pamamahala ng basura. Magbigay ng impormasyon tungkol sa tamang pagtatapon, pag-recycle, at pag-compost ng mga basura.
Ikalawa, Pagtatakda ng mga patakaran: Itatag ang mga patakaran sa paaralan na nag-uutos sa mga estudyante na maging responsable sa pagtatapon ng basura. Maaaring magkaroon ng mga designated trash bins para sa iba't ibang uri ng basura tulad ng recyclables, non-recyclables, at organic waste.
Ikatlo Pagtatayo ng mga recycling center: Magtayo ng mga recycling center sa paaralan kung saan maaaring i-recycle at i-segregate ang mga basura. Maaaring magkaroon ng mga proyekto tulad ng paggawa ng recycled crafts o pagbenta ng recycled products upang maipakita ang halaga ng recycling. Pang-apat, Pagpapalaganap ng paggamit ng reusable na mga kagamitan: Magpromote ng paggamit ng reusable na mga kagamitan tulad ng tumbler, lunch box, at eco bags upang maiwasan ang paggamit ng disposable na mga plastik at styrofoam.
Pang-lima, Pagpapalaganap ng pagtatanim ng mga halaman: Magtanim ng mga halaman sa paaralan upang mapalawak ang mga espasyo ng luntiang kapaligiran. Maaaring magkaroon ng mga gardening club o programa upang turuan ang mga estudyante tungkol sa pagtatanim at pangangalaga ng mga halaman. Pang-anim, Pagpapalaganap ng volunteerism: Mag-organisa ng mga cleanup drives sa paaralan at kalye kung saan maaaring makilahok ang mga estudyante, guro, magulang, at iba pang mga kasapi ng komunidad. Maaaring magkaroon ng mga rewards o recognition para sa mga aktibong volunteers.
Panghuli, Pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan: Makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan upang magkaroon ng regular na paglilinis at pag-aayos ng mga kalye. Maaaring humiling ng tulong sa pagbibigay ng mga tamang pasilidad tulad ng trash bins at street sweepers. Ang paglaban sa basura sa paaralan at kalye ay isang pangkalahatang responsibilidad na dapat gampanan ng bawat isa. Sa pamamagitan ng sama-sama at patuloy na pagkilos, maaari nating maipakita ang ating pagmamalasakit sa kapaligiran at magkaroon ng malinis at maayos na paaralan at kalye.
PANGKAT LIMA
Labis Na Kakayahan
Akda ni: Jouriz Paulyn Abarcar
“Presenting the new A.I. reporters!” Ako’y napalingon nang marinig ko ito sa telebisyon. Tama ba ang rinig ko? A.I.? artificial intellectual sportscasters? Agad ‘kong binuksan ang aking telepono at sinilip ang social media. Sunod-sunod ang mga post na tungkol sa balitang aking narinig, ang iba ay nagalak at ang iba ay galit, ngunit napation ang aking pansin sa post ng kaklase kong pangarap ang pagiging newscaster.
Nakakalungkot isipin na ang makabagong imbensyon ng mga tao ay unti-unti nang ginagampanan ang mga gawain ng tao. Oo, mapapabilis at mapapadali, ngunit paano na ang mga batang nangangarap maging isang mamamahayag sa hinaharap?
Tumulo ang luha ko nang mabasa ko ito. Napaisip ako, paano kung hindi lang pamamahayag ang gampanin ng A.I.? Paano kung pati na rin ang iba’t-ibang propesyon gaya ng pagiging aktor, aktres, guro, interior designer, artist, at iba pa? Hahayaan ba nating sakupin tayo ng teknolohiya? Hahayaan ba nating higitan nila ang ating kakayahan?
Malaking epekto ito sa lipunan, maraming mawawalan ng trabaho, at maraming kabataan ang mawawalan ng pagasa, maglalaho ang pangarap, at masasayang ang kakayahan. Nadurog ang puso ko, ngunit dahil dito mas umusbong ang kagustuhan kong sumubok magbalita muli. Ako’y tumatayo upang buksan ang mga mata ng bawat isa na hindi tularan ng ubang departamento ang ganitong pamamalakad, hindi ko hahayaang mawala at maglaho ang pangarap na magbalita sa puso ng mga kabataang mamamahayag, umaasa na maririnig ko sa hinaharap ang boses ng batang mamahayag sambitin ang “I am Jouriz Abarcar, reporting!”
Karupitan
Akda ni: Zyrell Alen
Sa Brgy F. De castro GMA Cavite ay isang kapitan di umano ay isang kurap at may ibang k kinakalantanay na babae Nag dudulot nito nabahala ang mga residente ng barangay at nawalan ng tiwala.
NANAY #3 Hoy mare nabalitaan mo ba yung kuamakalat na chismis? grabe to.
NANAY #1: Talagaba mars? (parhirit nga .Dumating ang isapang mare.)
NANAY #2: Hay pa chismisbdin ako.
NANAY #3: So ito na nga mga misis balita daw ay pumupuslit ng pondo si kapitan
NANAY #2: Talaga? kaya pala bago ang motor niya nakita ko kanina
NANAY #1: Ay ibang chismis pala ito? may narinig din kasi ako may kabit din daw si kap.
NANAY #3: Hala ang hirap naman pagkatiwalaan ng mga taong ganyan.
Lumipas ang marami pang araw kumalat ang chismis sa buong barangay. May ibat iba naring pinapanigan ang bawat mamamayan dahil dito nawalan narin ng pagka kaisa ang buong lugar. Nababahala na ang lahat dahil sa pag laki ng problema na sa una ay chismis lamang.
Ang problemang ito ay nakaka apekto narin sa akin bilang isang mamamayan dahil dito mahirap na ang pumanig dahil lahat ay may ibat ibang Pinaninindigan na kahit ako ay nahihirapan na din pagkatiwalaan.
Ganon pa man ang problemang ito ay hindi padin ma sulusyonan dahil sa walang kooperasyon ng kapitan at kawalan ng paliwanag marahil ay totoo ang nga akusasyon sa kanya kaya siya ay tila nag tatagi na. Kahit ano pa man sana ay mailabas na ang mga sikreto upang maliwanagan na ang lahat
Sa unang araw ng kanyang pagkakakulong sa lugar na hindi pa rin niya alam kung saan, pinaso siya ng nag babagang bakal sa iba't ibang parte ng kanyang katawan kabilang ang kanyang Pribadong parte, Sa ikalawang araw pumasok na naman ang lalaking nakamaskara sa Kulungan ng may dalang plais mahigpit na dinakma ang kanyang mukha at pinilit na binuka ang kayang bibig at isa isang binunot kanyang mga ngipin. Sa ikatlong araw may dala naman itong martilyo, isa isa naman nitong panitpit ang kanyang mga daliri. Buong pwersa ang kanyang sigaw hanggang umaga. Ika apat na araw Pinutol naman ng lalaking maka maskara ang dila ni dorothy. Ika limang araw hindi niya ito pinag malabisan kung di pinakain lang Siya nito ng marami at ng binuhusan ng honey. Kalaunan sumakit ang kanyang kalamnan at nadumi siya sa kanyang sarili, habang nakabalot sa matamis in honey at sa kanyang mga dumi unti unti siyang ginapang ang ibat ibang uri ng insekto, dega ipis, langgam, uod at iba pa. Ika anim na araw ay inuuod na ang kaniyang mga sugat at kinain na ng ibat ibang insekto ang kanyang balat pati mga daga ay kumakain na din sa mga balat niya. ika pitong araw pumasok na naman ang naka maskara ng lalaki sa kulungan ng may dalang ibat-ibang uri ng patalim. Unang binunot ang kutsilyong hindi gaano kalaki at isinaksak ito kay dorothy. Pergalawang katsilyong isikaksak sakanya ay kinakalawang at mapurol ngunit wala na siyang lakas upang sumigaw kaya ininda na lamang niya, habang na mimili ng ibapang kutsilyo na isasakank kay dorotty ang lalaki, naalala ni Dorothy si Maria at nais niya
Na makita ulit ito. Nabuhayan si Dorothy ng lakas at binunot niya ang kutsilyong naka boon sa kanyang tagiliran at isinaksak niya ito sa lalaking nakamaskara, napuruhan niya ito, tumumba ang lalaki, dali dali siyang tumakas. Habang pa labas nakita niya ang pugot na ulo ni mariya nakasabit sa labas ng bahay, nanlisik ang kanyang mga mata at sumuka, patuloy pa rin ang kanyang pag takbo.
Tumingin siya sa likod kung hinahabol siya ng lalaking naka maskara hinahabol nga siya nito, tumalon siya pababa ng kalsada at ginaya naman ito ng lalaki subalit na bunggo ito ng sasakyan pag lingon ni Dorothy ay makakita ang patay ang naka maskarang lalaki, pa tuloy siyang tumakbo. Naalala niya ang dinadaanan niya, napansin niya na malapit na ito sa bahay ng kanyang lola. Habang naglalakad may nakakita sa kanyang lalaki, nagngangalang Entong "Anong nangyari sayo?!" gulat na pag tanong ni Entong, hindi makasagot si Dorothy sa sobrang pagod, nahimatay siya sa daan. Pagmulat ng kaniyang mga mata ay hinahalay na siya ng lalaking si Entong, Pumiglas siya ngunit mahigpit ang hawak nito sa kanya, napansin niya na may kutsilyong nakabaon pa rin sa kanyang hita, binunot niya ito at sinaksak sa leeg ng lalaki, dali daliang tumakbo si dorothy. llika-ika siyang umuwi habang sumisigaw ng tulong, nadaanan siya ng kanyang lolo na si Lolo tasyong at tinulungan siyang Umuwi. Siya ay ginamot at unti unting gumaling. Lumipas ang ilang taon hindi parin bago nangyari dati at hindi makalimutan ang mga karanasang patuloy tumutusok sa kanyang puso araw-araw.
Krimen
Akda ni: Oliver Apio
Isang umaga sa paglabas ko ng aming tahanan natanaw ko na nag-iipon-ipon ang aming mga kapitbahay, tila sila ay may seryosong usapang nagaganap. Ako ay lumapit at dito ko nalaman sa kanila ang nangyari sa kaawa-awang bata na pinagsamantalahan at pinaslang sa Brgy. Ramon Cruz noong ika-30 ng Nobyembre taong 2023.
Hindi maikakaila na karumaldumal ang ginawa sa kawawang paslit at ito ay walang kapatawaran. Mayroon mga masasamang tao na sinasamantala ang mga mahihina o walang kalaban-laban na kapwa tao nila. Tila may sa demonyo lamang ang gagawa ng ganitong gawain o hindi kaya naman ay may impluwensya ang mga ito ng ipinagbabawal na gamot. Talagang ikinalulungkot ng mga kaanak ng bata ang nangyari at nakiramay rin ang buong Brgy. Maderan sa pamilya ng bata. Gayun din ay nakaramdam ako ng lungkot at awa para sa bata dahil marami pa siyang dapat na taong o panahon na lalakbayin ngunit sa kanyang sinapit ay malabo na ito.
Dapat lamang na mag-ingat ang bawat isa bata man o matanda walang pinipili ang mga masasamang loob sa kanilang mga masasamang gawain at paigtingin din ang seguridad ng bawat mamamayan sa kanilang mga bayan dahil sila ang madalas na biktima rito.
Medalya o Dignidad?
Akda ni: Rachelle Anne Barcelon
Sa paaralan ng General Mariano Alvarez teehnical High School. Usap-usapan sa aming silid-aralan ang pandaraya ng mga estudyante noong natapos ang pagsusult ng unang markahan. Hindi ito makatarungan at maaaring makasira sa imahe ng mag-aaral. Noong nagkaroon ng pagsusullt sa pagtatapos na unang markahan, marami akong narinig na isyu, isa na lamang ang tumatak sa akin, ang pandaraya ng kabilang seksyon sa kakiang pagsusu;it. Labis akong naulumo at nadismya noong nalaman ko to Kumalat din na gumagamit sila ng app upang maibahagi ang sagot ng bawat isa. Maraming miyembro and group chat (GC) na ito.
Sa kabilang banda, naiiintindihan ko ang pinanggagalingan ng gawaing ito. Mataas na pagtingin sa sanli at takot sa maaaning sabihin ng iba ang posibleng rason. Ngunitt, naaapektuhan naman nito ang ibang estudyante. Ako na bilang estudyante, nagkakaroon ako ng mababang kumpiyansa na mag-aral sa kadahilanang ang ibang estuduante ay nandadaya; kakayanin ko rin ba mag-aral nang hindi aumakapet sa patalim? Ang epekto rin nito sa Lipunan ay bumababa ang tingin ng iba sa mga estudyante. Mas bumababa ang kalidad nila dahil sila ay pumapasa ça pamamagitan ng pandaraya. Dahll nga sa mababang kalidad ng estudyante, mababa rin ang magiging kalidad ng mga empleyado sa hinaharap.
So aking palagay, pagpupursigi ang mabisang sangkap upang makamit ang tagumpay. Sa gayon, magtatagumpay ang bawat isa nang may mataas na kalidad na edukasyon at may malinis na konsensya.
Pangamba
Akda ni: Sheina Mae Candoy
Bilang estudyante malaki ang gampanin namin sa mga nangyayari sa lipunan. At ang isa rito ay ang pagkalap ng nga impormasyon sa aming paligid, ibang tao, at sa labas at loob ng Paaralan. Isang araw habang ako ay pauwi sa aming tahanan, ako ay nakasakay sa isang jeepney na kung saan may isang tsuper at drayber na nag-uusap tungkol sa pagpapatupad ng malawakang tigil pasada. “Balita ko tigil pasada na naman tayo ah.” Sabi ng tsuper “ Oo nga eh, wala na naman mapagkukunan ng badyet.” Tugon naman ng drayber. Habang ako ay nakikinig sa kanilang usapan napagtanto ko na malaki talaga ang epekto ng jeepney phase out sapagkat magiging perwisyo ito para sa mga drayber na umaasa at kumukuha lamang ng kanilang pang araw-araw na gastusin sa pagpapasada.
Tunay ngang malaki ang potensyal na benepisyo ang hatid ng pagtanggal ng nga tradisyunal na jeepney at papalitan ito ng mga modernong jeepney, ngunit malaki ang implikasyon nito sa lipunan. Sa pamamagitan ng pagtanggal ng tradisyunal na na jeep maraming drayber ang nagsasakripisyo at mawawalan ng trabaho. Dagdag pa rito, ang mga komyuters na kung saan makakaranas ng kahirapan sa pagpunta sa iba’t ibang destinasyon katulad na lamang ng mga estudyante, manggagawa at iba pa.
Bagaman taglay nito ang positibong epekto, marami naman ang maapektuhan sa lipunan at sa bawat buhay ng mga mamamayang Pilipino.
Ang Huling Araw
Akda ni: Shairyn Dela Cruz
Ilang araw na lamang ang nalalabi bago ang aming presentasyon sa asignaturang P.E, na kung saan kami ay sasayaw bilang isang pangkat. Kung kaya't labis-labis ang paghahanda na aming ginagawa, puspusan ang naging pag-eensayo namin upang mas maging pulido ang gagawing pagtatanghal. "Umayos naman kayo!" sigaw ng isa kong kaklase na siya ring nagtuturo ng sayaw sa amin, tila ba nauubusan na siya ng pasensya dahil hindi nakikinig ang iba at hindi sumusunod sa turo niya. Ito na ang huling pagsasanay namin dahil kinabukasan ay gaganapin na ang aming presentasyon, kaya naman labis-labis ang paghahandang ginawa namin upang maganda ang kalabasan ng aming sayaw. Kaya naman hindi ko masisisi ang aming lider, dahil alam kong ginagawa niya ang lahat para sa aming pag tatanghal. Madarama mo sa loob ng aming silid ang tensyon dahil sa halo-halong emosyon ng bawat isa kahit sa oras ng pahinga ay nandoon pa rin ang tensyon na nakadagdag ng kaba sa akin. Mas nadagdagan pa ang tensyon na ito ng may isang kaklase akong nagtanong patungkol sa aming susuotin, "Ano ang damit natin para bukas?". Nagsimula na silang mag-usap sa kung ano at anong kulay ang dapat suotin para sa pagtatanghal. Nagkaroon pa ng kaunting aberya dahil hindi lahat ay mayroong kasuotang hinahanap nila, nagkaroon ng kaunting kaguluhan habang nagpupulong patungkol sa damit dahil ito ay biglaan at hindi pa napag uusapan noon. Dahil ito na ang huling araw ng aming pagsasanay ibinigay na namin ang lahat sa pagsayaw, "Sana ay maganda ang kalabasan nito" mahinang bulong ko sa sarili. Pagkauwi ay agad akong nagpahinga upang makapag-impok ng sapat na enerhiya para sa pagtatanghal kinabukasan.
Aking Pamilya
Akda ni: Jenny May Furio
Sa aking AMA na siyang dahilan kung bakit ako ay may pangalan salamat sa iyo ako ay naging tao… Sa aking INA na siyang nagpalaki upang pagtanda ko’y maipagmalaki salamat sa’yo nagkaroon ako ng magandang mundo… Sa aking mga KAPATID na mahal ako salamat sa inyo lumaki ako binihisan ako para maging katulad nyo at maipagmalaki pati ng ibang tao… Hindi man ako perpekto minsan may pusong bato pero alam ko dito sa puso ko walang makakapantay sa inyo… Ipinagmamalaki ko kayo dahil ako’y minahal nyo ng walang kapalit kahit ano kahit pa madalas selfish ako… Hindi nyo ako iniwan sa ano man laban kasama ko kayo matalo manalo man ako… Kung lumaki man ako sa paraang hindi nyo gusto pasensya na kayo dahil may sariling desisyon din ako Sahan nyong sa dulo ng buhay ko ay mayroon ding pangarap ang katulad ko nasaktan o nasugatan ko man ang puso nyo patawad ang pagsamo ko… Sa aking mga magulang at kapatid asahan nyong ating pisi ay di mapapatid dahil sila, kayo at ako ay magiging isa para magbuklod at maging isang masayang pamilya…
Naglahong Pangarap
Akda ni: Ahron Ginco
May kumakalat na video sa Internet na isang bankay ng batangas babae na natagpuan sa gilid ng ilog, isnend ito ng aking kaibigan sa aming group chat.Narinig ko fin ito sa labas habang nag chi-chismisan ang mga nanay sa amin. Sa pagkakaalam ko ang batang ito ay 8 na taon pa lamang, ang reaksyon ng mga tao dito ay pagkagulat at pagkalungkot, talaga namang nakakagulat ang pangyayaring ito, pero mas nagulat pa ako nung nalaman ka na hinde pala nilibing ang babae at hinayaan na lang itong mabulok, nakakabahala rin dahil sa aking pagkakaalam ay hindi pa nahuhuli ang gumawa nito at may posibilidad na pagalagala parin ang kriminal. Nakakinis lang isipin na mayroong mga taong kayang gawin ito sa isang syam na taong gulang dahil lamang sa kalibugan. Kahit papano mayroon paring postibong epekto ang pangyayaring ito, namulat ang lions sa panganib ng paglabas ng gabi, ma's lumawak at ma's naging maalam ang tao sa ganitong bagay, Lahat ng bagay na nilahad rito ay galing lamang sa kaing mga narinig, video lamag ang aking baseman at ang aking kaibigan na nag paalam ng impormasyon na ito. Muli mag ingat lalo na sa panahon ngayon na wala ng takot ang mga kriminal.
Hamon ng Kalikasan
Akda ni: Jhazmin Mangawang
Ikalawa ng Disyembre taong kasalukuyan nang yanigin ng magnitude 7.6 ang Mindanao na nagdulot ng malaking pinsala at pagkawala ng mga ari-arian, lalo na sa lugar ng Surigao. Tatlo ang nasawi, siyam ang nawawala, at anim na pu't pito ang sugatan, dahil sa nasabing kalamidad. Gabi noong ikatlo ng Disyembre nang maabutan ko ang aking pamilya na nag-uusap tungkol sa naganap na lindol sa Mindanao. Base sa tono ng kanilang boses ay kakikitaan sila ng takot at pangamba. “Ma, tinamaan pala ng lindol ang Mindanao”, ani ng aking kapatid. “Kailan?! Gaano kalakas?!” Sagot naman ng aking ina. “7.6 magnitude, sa Surigao may pinakamalaking pinsala”, saglit na napatahimik ang aking ina bago mulingnipinaalala sa amin na mas pagtibayin ang pananampalataya sa panginoon, maging handa at huwag maging panatag sa lahat ng iras. Sa muling pagyanig ng lupa sa Mindanao na naramdaman din sa iba’t ibang panig ng bansa ay labis itong nagbigay sa akin ng takot at pangamba. Takot na baka muli na namang gumalaw ang lupa habang payapa ang gabi.
Sa hamong ito ng kalikasan, nag-iwan ito ng implikasyon sa akin na marapat na tayo ay palaging maging handa at alerto. Huwag din mawawala ang tiwala sa panginoon, bagkus ay mas pagtibayin pa ang pananampalataya, dahil siya lamang ang nakakaalam ng lahat. Sa kabilang banda naman ay nag-iwan ito ng implikasyon sa lipunan na kahit anong hirap at hamon ang ibigay ng buhay ay matuto tayong bumangon, huwag mawalan ng pag-asa, harapin ang bukas, maging handa at alerto, higit sa lahat panagiligim ang matatag na pananampalataya sa Panginoon.
Bilang konklusyon, napakalaking pinsala ang iniwan ng lindol, ngunit mas napatatag nito ang pananampalataya sa Diyos, at patuloy na pagharap sa hamon ng buhay.
Hanggang Sa Muli
Akda ni: Jewell Mai Mayormita
Ang tambalang "Kathniel" na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay isa rin sa mga sikat sa industriya bilang mga artista, dahil sa kanilang mga gawang pelikula na kinagigiliwan o nagpapakilig sa lahat lalo na sa mga kabataan. Sa loob ng labing isang taong pagsasama ng dalawang aktor ay marami na silang mga bagay na napagdaanan, kasama na rito ang mga pelikula nilang dalawa ng magkasama. Sa gabi ng Nobyembre ika-30, habang ako ay nagpapahinga ay naisipan kong manood muna bago ako matulog at sa paglilibang ko ay bumungad agad sa akin ang isyu sa hiwalayan ng dalawang aktor na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Naibalita ito at naging usap-usapan sa social media, naging kalat ito at may ilang mga aktor ang nadawit sa isyung ito na sinasabing ang hiwalayan ng tambalang "Kathniel" ay dahil sa pagloloko ni Daniel kay Kathryn.
Sa isyung hiwalayan ng tambalang "Kathniel" ay malaki ang naging epekto nito sa kanilang mga taga suporta, maging ang kanilang kapwa artista at maging malalapit nilang kaibigan ay nalungkot, ang iba rito ay nadismaya dahil sa ginawa ni Daniel kay Kathryn. Maging ako na kinagigiliwan sila at ang kanilang mga gawang pelikula ay hindi inaasahang mangyayari ang hiwalayan ng dalawang aktor na isa sa aking paboritong tambalan.
Malakas na Pag-ulan
Akda ni: Jessieboy Sabenorio
Noong lunes Setyembre 8 habang naghihintay ng labasan ang mga mag-aaral ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kita ang lungkot sa mukha nila dahil hindi sila makakauwi ng maaga dahil sa biglang buhos ng malakas na ulan. Habang ako'y nag-lalakad sa gusali ay may nakita akong apat na mag-aaral ng sinubukang sumugod sa malakas na ulan, ngunit bumalik din sila dahil malakas ang ulan habang ako'y papalapit sa kanila ay narinig ko ang kanilang usapan bakas sa mukha nila ang lungkot dahil wala daw silang payong at basa narin daw ang mga damit at gamit nila. Nasa isip-isip ko non ay gusto ko silang sabihan na dapat ay lagi tayong maging handa sa lahat ng oras at mag-dala ng payong kung kinakailangan. Dapat din na huwag tayong basta bastang sumugod sa ulan dahil ito ay delikado, maaari tayong magkasakit. Hintayin na lamang natin humina o tumila ang ulan kasi kung ako sa kanila ay magiging handa ako sa lahat ng oras at hindi na ako basta bastang gagawa ng sarili kong desisyon dahil makakasama iyon. Gusto ko sana sabihin sakanila iyan ngunit baka hindi nila ako pansinin at baka pagtawanan lang nila ako kaya naman ay dumeretso na lamang ako at nagsabi na lang ako sa kanila ng mag ingat kayo.
BIONOTE
Isang mapursiging estudyante si Jouriz Paulyn Aquino Abarcar na nakapagtapos ng mataas na paaralan sa General Mariano Alvarez Technical High School na isa ring miyembro ng organisasyong English Drama Club nang limang taon, lumaban ng Broadcasting Divisions noong grade 2 na nagkamit ng 5th place at noong grade 5, Podcasting Divisions noong grade 11, Division Acad-Learning Camp na nagwagi ng Overall Champion, Acad-Learning Camp Talentadong Camper 4th runner-up at Acad-Learning Fashion Model Best Model. Siya rin ay nagwagi ng Ms. Teen Idol 3rd runner-up 2019, Ms. Teen Idol 1st runner-up 2023, at Ms. Senior High 2nd runner-up 2022. Isang broadcaster, Model, Theater Artist, at lider estudyante sa kanyang paaralan.
Si Zyrell, Alen 18 anyos nakapag tapos ng elementarya at nag kamit ng gintong medalya sa masining na pag guhit noong 2017 Februaryo kasalukuyang nag aaral sa General Mariano Alvarez Technical High School baitang 12 HUMSS strand.
Si Apio, Oliver 21 na taong gulang, ipinanganak noong ika-tatlo ng Agosto taong 2002 sa San Pedro, Laguna. Nagtapos noong 2023 sa baitang 11 na may karangalan at kasalukuyang nag-aaral sa baitang 12 sa paaralan ng General Mariano Alvarez Technical High School.
Si Rachelle Anne Barcelon ay isang labing-pitong taon na gulang. Kasalukuyan siyang naninirahan sa Cavite. Nag-aaral siya sa mataas na paaralang teknikal ng Heneral Mariano Alvarez. Hilig niya ang magtanghal. miyembro siya ng isang grupong teatro sa kanyang paaralan; ito ay nagngangalang English Drama Club.
Si Sheina Mae Candoy ay isang estudyante, labing pitong gulang at nag-aaral sa General Mariano Alvarez Technical High School. Siya ay mag-aaral ng Humanities and Social Sciences at mayroong sinaliihang dalawang organisasyon, ito ay ang Kapisanan ng mga mag-aaral sa Filipino (KAMAGFIL) na kung saan nagtatanghal sa entablado kapag may programa sa paaraln at ang DALUMAT naman ay naglalayong magbahagi ng kaalaman sa bawat mag-aaral. Mahilig itong manood, makinig ng musika, at magbasa tuwing may libreng oras. Ngayon ay minimithi niyang makapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Tourism Management sa isang unibersidad.
Si Shairyn Dela Cruz ay labing pitong taong gulang. Ipinanganak noong ika-isa ng Agosto taong 2006 sa bayan ng Lipa, Batangas at kasalukuyang naninirahan sa bayan ng General Mariano Alvarez sa lalawigan ng Cavite. Nakapagtapos siya ng elementarya sa paaralan ng San Gabriel 1 Elementary School. Kasalukuyang nag-aaral sa pampublikong paaralan ng General Mariano Alvarez Technical High School, siya ngayon ay nasa ika-labindalawang baitang at kabilang sa strand na Humanities and Social Science (HUMSS). Isang magaaral na may karangalan mula elementarya. Bahagi rin siya ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMAGFIL) bilang isang miyembro at nagtatanghal, miyembro rin ng DALUMAT Organization, at dating kasapi sa Dance Troupe ng GMATHS. Nakipaglaban na rin siya sa mga kompetisyon at nag tanghal sa malaking entablado noong elementarya.
Si Jenny May Furio ay isang mapagmahal sa kanyang pamilya siya ay nabingwalo nakatira sa barangay San gabriel Teacher's village g,m,a Cavite na nag-aaral siya sa General Mariano Alvarez Technical High School na ninanais niyang maka pagtapos ng pag-aaral upang siya ay makatulong sa kanyang pamilya.
Isang mabuting tao si Ahron Ginco, siya ay labing pitong gulang na nakatira sa baranggay pulido gma cavite, at kasalukuyang nag aaral sa General Mariano Alvarez Technical highschool, siya ay isang honor student mula baitang una hanggang baitang anim, mahilig siya magbasa at manuod, maglaro ng online games at mag isip ng mga bagay na wala namang kinalaman tungkol sa akin na maaring mabago ang mundong ating kinagagalawan.
Si Jhazmin L. Mangawang ay nagtapos ng may karangalan sa San Gabriel 1 Elementary School. Sa Mataas na Paaralang Teknikal ng Heneral Mariano Alvarez namin niya nakumpleto ng may karangalan ang Junior High. Kasalukuyan namin niyang tinatapos ang Senior High sa ilalim ng Strand na Humanities and Social Sciences(HUMSS) sa parehong paaralan. Secondary Education sa Polytechnic University of the Philippines ang nais niyang kunin at tapusing kurso. Mahilig siyang magbasa ng mga nobela at manood ng mga pelikulang tagalog.
Si Jewell Mai T. Mayormita ay nakatapos sa paaralan ng San Gabriel II Elementary School at sa General Mariano Alvarez Technical High School naman ay nakapagtapos siya ng Junior High School ng may karangalan. Kasalukuyan naman nitong tinatapos ang Senior High School at para naman sa susunod na taon para sa kolehiyo ay nais nitong kuhain ang kurso ng pagtuturo bilang isang guro para sa Secondary Education. Kinahihiligan naman nito ang paglalaro ng online games at pagbabasa ng mga libro o wattpad.
Si Jessieboy Sabenorio ay labing walong taong gulang na nakatira sa barangay pulido GMA Cavite na nag aaral sa General Mariano Alvarez Technical High School (GMATHS) G-12 Humss section karakol may tangkad na 5'3 at timbang na 57 ang hilig nito ay mag laro ng basketball at online games at mahilig din ito manood ng anime, action at korean movie.
Comments
Post a Comment