MALIKHAING SANAYSAY KAHULUGAN Mula sa salitang sanaysay o sanay na pagsasalaysay, ito ay ang pagsasalaysay ng isang sanaysay nang may pagkamalikhain, may sistematikong paraan o proseso kung saan sinusunod ito sa lohikal at organisadong paraan, maaaring pormal o impormal ngunit isinasaalang-alang na nararapat itong makatotohanan at personal na pagtala o CNF (Creative Nonfiction). Ito ay isang bagong genre sa Malikhaing Pagsulat na siyang ginagamitan ng istilo o teknik upang makabuo ng makatotohanan at tumpak ba pagsasalaysay o narasyon. KATUTURAN Sa paraan ng pagsulat ng malikhaing sanaysay mahubog nito ang abilidad ng isang manunulat sa pamamagitan ng paglalahad ng katotohanan na gumagamit ng malinaw at tiyak na wika. Dahil dito, lumalawak ang imahinasyon ng mga mambabasa at makakapag bahagi ng karanasan na makatotohanan. Mas malaya magsulat ang may akda sa tuwing nagsusulat ng malikhaing sanaysay. Ang nilalaman ng malikhaing sanaysay at op...
Comments
Post a Comment